Monday, June 20, 2011

Mga Fil-European Azkals, nagpaligsahan sa pagkanta ng ‘Lupang Hinirang’

Naki-bonding ang Azkals sa mga Pinoy sa Germany. Pati ang mayor ng Duren, dumating sa barbecue party para batiin ang mga Pinoy.
Ang highlight  ng okasyon, ang pa-contest ng pinakamagaling na grupo na kakanta ng pambansang awit sa araw ng paggunita ng kaarawan ni Rizal.
Sa Euro-Pinoys, mahirap ang contest na ito.
“Reading it from a piece of paper and not learning it when I was younger is hard,” ani Neil Etheridge.
“When we sing them in international matches when Lupang Hinirang is played, everybody can see na di name-memorize ng players natin… we divided the group into three groups,” ani Azkals manager Dan Palami.
Naunang nagpakitang gilas ang white team. Ang blue team, nagpalakas pa sa mga judges bago kumanta. Panghuli ang red team.
Pinaulit din sa pagkanta ang mga Euro-Pinoys para masigurong saulado ang titik ng Lupang Hinirang.
At ang desisyon ng hurado, panalo ang red team -- ang grupo ni Phil Younghusband at Chieffy Caligdong. Rose Eclarinal, Europe News Bureau, Duren, Germany. Source

No comments:

Post a Comment